Wednesday, July 28, 2004

face off

Nakakatawa or nakakatuwa pag sinabihan ka ng mga taong may kamukha kang sikat na tao. N my case hindi ako convinced na kamukha ko tong taong to, although hindi naman siya panget, ok nga mukha niya e, ang kaso lang hindi ko talaga makita yung resemblance naming dalawa. Sana walang magcomment na makapal mukha ko kasi hindi ko naman kini-claim na kamikha ko talaga tong taong to. A few people just actually said na kamukha ko siya, lalo na sa Cavite, yung mga kapitbahay namin e tinutukso ako. Bago ko sabihin kung sino siya eto muna yung mga nagsabi na kamukhako siya: Mother ko [ although hindi kapanipaniwala kasi nga nanay ko naman yun], yung apat na kapitbahay namin [ at lagi nila kong sinasabihan na magpraktis daw akong kumanta], si Joy [ one time nung nasa libe kami at nagpipicture-picture kami gamit fone ng kapatid niya], at si Siena [ recently lang]. Kamukha ko daw si Erik Santos? Hindi naman sa ayaw ko, actually it’s a compliment kaso hindi ko talaga Makita resemblance namin e.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home