Gusto ko maging Big Winner kasi…
Nagkalat ang mga pa-contest ngayon sa buong mundo. At ako’y masugid na tagapanuod lamang. Naaaddict ako ngayon sa American Idol (bet ko sa final 2 sina Chris at Elliot pero hindi nila ako fan) at Pinoy Big Brother Teen Edition (bet ko si Jamilla at Aldred, pero since wala na si Aldred may chance siguro si Gerald).
Napapansin ko lang, kapag tinatanong sila kung bakit sila sumali sa contest, let’s say kunwari Star in a Million:
Q: Bakit ka sumali dito?
Answer 1: Kasi gusto ko ipagamot yung tatay kong maysakit…
A2: Kasi Gusto kong mapag-aral yung mga kapatid ko…
A3: Ayoko na kasing makitang nahihirapan yung mga magulang ko…
Gets nyo?
Anu ba ang purpose ng isang singing contest? Kadalasan sa mga taglines nila, “The search for the next singing superstar is on!”, o kaya “Who will emerge as the best among the brightest stars…”. So from that, I believe na ang purpose ng isang singing contest ay para makadiscover ng new talent, the best singer at least for that season only. Ang purpose ng isang artista search ay para makadiscover ng multi-talented artist. Ang purpose ng reality shows gaya ng PBB/Survivor/etc. ay para makapagbigay-saya sa mga manunuod. Ang mga grand prize na ibinibigay tulad ng Php 1,000,000.00, House and Lot, Kabuhayan showcase, trip to paradise, brand new car at mga kung anu-ano pang mga shopping sprees ay para lamang sa mga deserving. Sila yung best and most versatile singer sa isang singing search, yung best at triple threat sa artista search, at yung pinakamagaling sa isnag reality show. Hindi dapat maging basehan sa pagkapanalo ang estado mo sa buhay o ang laki ng pangangailangan mo sa pera para ikaw ang manalo. Tingin ko lang, unfair yun sa mga mayayaman. Hindi sa pinagtatanggol ko sila, at hindi ako mayaman FYI, pero kasi lahat ng tao may mga pangarap din sa buhay, mayaman man o mahirap. Kung gusto mong sumali sa singing contest, dapat ang reason mo ay gusto mong i-share ang talent mo sa mundo, o kaya ipaalam sa mundo ang ganda ng boses mo na gift from God, dahil dream mong maging isang sikat na professional singer, at hindi dahil guato mong mapanalunan ang premyong isang milyon. Sino ba ang may ayaw nun? Point ko lang, some people don’t see contests how it should be looked at, and they are joining for the wrong reasons. That’s why when they lose, bitterness comes in. Prizes are prizes. Kaya premyo ang tawag dun kasi yun ang premyo mo sa pagiging pinakamagaling sa Star Struck, Star in a Million, Star Circle, Pinoy Pop at pagiging totoong tao mo kaya ka minahal ng taumbayan sa PBB. Nakakainis lang kasi minsan may bias ang mga judges, na pinapanalo ang isang contestant kasi nakakaawa naman ang pamilya. O kaya vino-vote off kasi mayaman na. Anu ba yun? Tama ba naman yun?
Wala-wala lang itong post na ito. Gusto ko lang sabihin ang napapansin ko. Para sa akin kasi hindi charitable institution ang mga contest at reality shows.
Point taken.
Period.

1 Comments:
i agree it's useless to vote off someone just because he/she doesn't need the money. it defeats the purpose of the game itself. but anyway how can we complain they have the power to do that.
i guess, this is just a reflection of poverty in our country. nakakaawa na talaga pilipinas. huhuhu.
Post a Comment
<< Home