Monday, January 10, 2005

Karma

Umiikot ang karma. Gaya nga ng kanta ni Alicia Keys... Nag-away kami ng kuya ko kahapon, ang dahilan: PC. Pinalitan niya kasi yung appearance ng PC namin, yung shade e ginawa niyang black. nairita ako kaya binalik ko sa dati. sukat ba namang lagyan ng password para di ko mabuksan. Isinumbong ko nga sa mommy ko (with matching iyak pa yun...parang star circle national teen quest, para strong ang performance ko, hehe) at yun pinagalitan siya. nagsigawan kami later. at after ng lunch time, ayun, nilagnat na po siya. habang ako ay nagpapakasarap sa PC siya ay nilalagnat, nahihilo at nagsusuka. sweet revenge... pero hindi masyado. naawa naman ako. pero karma pa rin yun sa kanya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home