Wednesday, February 02, 2005

Mga munting pangarap ni Louie

Narito ang aking mga munting pangarap na gusto kong magkaron ng katuparan sa tamang pagkakataon.

 Gusto ko na habang college pa ko e isang araw Makita ko sa Eng’g ang isang long time friend na matagal ko nang di nakikita at sisigawan ko siya ng “Hoy ! Kamusta? Anung ginagawa mo rito?”, habang lahat ng tao ay nagtinginan na sa min dahil eskanadaloso ang tagpong iyon. Ü
 Pagkagraduate ko ay gusto kong magtayo ng restaurant, kung hindi sa Cavite e somewhere na matao para maghit siya. At ang menus ko ay puro breakfast and dessert meals, tsaka mga chocolates. Gusto ko din na makasosyo ang isang close friend.
 Gusto kong makapunta at makakain sa The Chocolate Factory, isang resto na lahat ng dishes nila ay merong chocolate. Yum! Yum! Nai-feature kasi siay sa F! last year ata. Ang kaso, hindi ko alam kung saan siya. Tinray kong hanapin sa directory pero wala siya. Haaay…
 Gusto kong makapag-asawa at the age of 25. pero shit! 21 na ko at wala pa kong girlfriend so panu kaya mangyayari yun?
 Gusto kong makasali sa isang song writing contest. May mga nagawa na kong kanta kaya naghihintay na lang ako ng isang contest gaya ng Himig handog, song festival o kung anuman.
 Gusto kong mapag-aralan ang piano, tapos ang violin, tapos ang gitara.
 Gusto kong makapagtrabaho sa isang food related company, wala nang iba.
 Gusto ko nang ganahan ako para mag-gym, ang tamad ko kasi kaya ang taba pa rin ng tiyan ko.
 Gusto kong mag-aral ng voice lessons right after kong grumadweyt, then sasali ako sa isang singing contest at mananalo ako.
 Gusto kong maging girlfriend si …. [hulaan nyo]

4 Comments:

Blogger Superproxy said...

uyyy, sino yun...? Gusto ko rin pumunta dun, napanood ko rin yung particular episode na yun e.

9:18 PM  
Blogger twisted-mind said...

oo nga... sino ba yun? yung seatmate mo sa ... hehe. louie, d mo namatutupad yung magpakasal ng 25... wala ka pa ngang nililigawan. sana matuloy restaurant mo, discount ko ha!

9:03 PM  
Blogger Richelle said...

sino yun? groupmate mo sa 135? haha!

12:56 AM  
Blogger twisted-mind said...

ayan andami ng panghuhulang nangyayari hehe

2:01 AM  

Post a Comment

<< Home