What a Feeling!!! – The Funny, The Mushy, The Hungry, The Sleepy Me
…’Happiness is a prescription. Laughter is the best medicine’ - Jay Louie Velasco (oo ako nag-isip nito, at least yung first part ng quote)
Maaga ako dumating ng tambayan(actually late na kasi 10am na yun) pero wala pang tao sa tambayan. Haay! Sayang kasi magpapaturo pa naman ako ng dose sa mga tao sana. So ang ending ko dahil hindi ko naman alam sagutan ang prob set ng dose ay ang pagbabasa ng app logbook naming. Andaming nakasulat grabe! Ang tagal ko nang di nagbabasa. Heto ang sample ng mga matitinding entries:
1. mga blind items, with matching bading words ala Startalk format. Funny siya at iisipin mo talaga kung totoo ba yun o joke lang. In fairness napag-isip ako dun.
2. Jokes na nakakatawa talaga! Hahaha! Eto example: ano sinabi ng posporo sa kapwa posporo? Ans. Match tayo… ÜÜÜ eto pa: ano capital ng Malaysia na hindi makalakad? Ans. Kuala LUMPO! Haha! Eto pa: ano capital ng Malaysia na nakakain? Ans. Kuala LUMPIA! Haha ulit!
Para akong baliw na tawa ng tawa mag-isa sa tambayan.
Anyway, natapos ko nang basahin ang logbook kaya nainip na ako. Nang biglang… may dumating! Ayan, naglalakad siya papalapit sa akin… at tinawag niya ang pangalan ko – ‘LOUIE!’
…out of nowhere, kinilig ako bigla! Yihee!
Curious na ba kayong malaman kung sino yun? Hehe. Hindi siya si IP. Siya ang aking dating labopmaylayp [ kadiri mushy na, corny pa!]. Anyway back to my kwento, jackpot dahil dalawa lang kami sa tambayan. Magkatabi, ako nagkukunwaring nagsosolve ng dose at walang pakialam pero ang totoo natutuwa ako. Haaaaay! Kinikilig ako, hehe. Ano ba ito? Destiny na ba kami? Joke lang. Kakasulat ko lang sa isang previous post na over na ko sa kanya. In fairness, over na naman ako. I already lost the loving feeling, pero yung kilig factor siyempre nandun pa rin. Ü Naniniwala ba kayo sa kin? Sana…
Naudlot ang aking daydreaming, nagising ulit ako at napabalik sa Matrix nang dumating na sa tambayan ang aking favorite blockmate. Hay naku, friend pa naman kita, pero wrong timing ang pagdating mo, nasa cloud 9 na sana ako nun. Hmmp! Ayun pumunta na tuloy siya ng library dahil nagtext na yung friend niya.
Buti na lang, kung may isang magandang nangyari bago dumating si favorite blockmate ito na yun, nakahingi ako ng grad pic nya. YAHOOO! But wait, wala siyang dala ngayon, pero nagpromise naman siya na bibigyan niya ko, at siyempre ako bibigyan ko din siya, para if ever na marealize niya na ako pala ang para sa kanya, titignan na lang niya yung picture ko (ANNOUNCEMENT: Joke lang po to ha, pero half meant, Ü).
… ginutom na ko, oras na ng pagkain
Ansaya talaga ng Open House ng mga dorms! Libre lunch. Thank you Angge, thank you Maja, thank you Yacel! At ang ganda ng Ilang ha. Salamat din kay Mike dahil free lunch din kahapon sa Yakal naman. Ang laki-laki ng natipid ko, bwahaha! Nagstay ako dun hanggang 3pm dahil may exam pa ko. Heto na po ang last part ng kwento ko…
…kumbaga sa 7 dwarfs ni Snow White, ako si Sleepy, at least for today lang
Hindi ko talaga maintindihan ang lesson ng dose ngayon. And for sure bagsak ako dun. Actually, wala akong masagutan sa 1st 30 minutes, at napilitan lang ako nun para hindi ma-zero.
Inaantok na ko. Stop na to. Bukas ay talentine pa. Sana masaya siya. Matutulog na ko. For sure late ako magigising sa sobrang pagod. Ocsalev now signing off. Static…
Ocsalev out.

1 Comments:
nakakatuwa talaga minsan pag pinapansin ka ng dati mong crush kahit alam mong over ka na. may mga ganon, pero meron din naman na totally wala ka nang mafeel para sa kanila, friend na lang or wala lang kasi kung hidni kilala.
Post a Comment
<< Home