Thursday, February 24, 2005

Wowowee spells Victory!!!ÜÜÜ Yipee!

Part 1 - The Politics
Recap ko lang ang nangyari this week. Friday nagovernight kami kina Pol para gumawa ng SPOA. Mike, Maja and I are running for the Executive Council. 3:30 am ko na natapos ang SPOA ko, den ginising ko si Mike. At ako naman ang natulog. 7:30 na nang magising ako at si Maja na ang gumagawa, akala ko tapos na si Mike, wala pala siyang nagawa, hehe. To sum up the morning, natapos naman naming lahat in due time at nakaalis kaming lahat, including Jaime, Angge, Pads, Rob, and Steve at lunch time. We arrived in UP past 3:30 pm na. Grabe, at 5pm ang deadline ng SPOA. Buti na lang at umabot kami.
Monday: start na ng campaign, nakagawa naman kami ng campaign materials last Sunday gaya ng posters at giveaways. “Wowowee, Jay Louie!” nga pala ang campaign slogan ko. Corny kasi wala na kong maisip na matino nun. I was thinking of “Aanhin pa ang damo kung nandyan naman si Velasco” pero mas kadiri yun. I was having a hard time during the campaign, may kalaban kasi. At aggressive si Gary, he really wants to win. But for me it was a healthy competition (I guess siya din ganun). Buti pa si Maja and Mike, wala kasing kalaban.
Tuesday na at kinakabahan na talaga ako. I’m not popular sa mga sophies, at no time to campaign talaga ako kasi may laboratory pa ko whole day. Haaargh!
Wednesday came at it’s time for the Miting de Avance. Lots of questions were asked to us, but one good thing is wala naman masyado personal, at walang nagtry to induce character assassination; well except for one, and I am very disappointed. At the end of the day, sabi ko sa sarili ko, ok lang na matalo, at least I tried. Tsaka mas gusto ko nang Makita na ang boto ay mapupunta kay Gary kaysa sa Abstain. Mas masakit yun.
Thursday come election day. At first di pa ko kabado. Pero nung narealize ko na yung mga supporters ko, especially yung Fifth years, halos di pa nakakboto. Ano ba to? Nafeel ko talaga na matatalo ako, worse, walang mananalo sa ming dalawa. 5:30 na, paalis na sina Anne kasi magoovernight na sila kina Iche, at maiiwan na ko dun sa tambayan. Yung Kemelec nagreready na para sa bilangan. And suddenly nangingilid na yung luha sa mata ko. Nafi-feel ko talaga na wala akong pag-asa. Good thing Erma tried to comfort, or at least talk to me. Later nagyaya si Mike pumuntang Yakal, at sinilip naming yung bilangan. The first five votes were counted, and it was 5-0-0 to my favor, Mike has 2-3, and maja has 4-1. Wow, first five votes sa kin. Pero malayo pa yun. I need 56 votes. Maja and Mike needs 70. Tamprurot na si Mike kasi ang dami na daw niyang abstain simula pa lang ng bilangan. Di na daw siya tatakbo kung sakaling matalo. Later I returned knowing na tapos na ang bilangan. Mike and Maja were in cheering. Gary was in Hamunan. Kinakabahan ako pero kelangan malaman. And guess what? We won! Hurrah! Pero hanggang ngayon e di ko pa siya masyadong naaabsorb. Siguro pag tambay ko na lang sa Monday.

1 Comments:

Blogger twisted-mind said...

wahhh kinakabahan na tuloy ako

12:09 AM  

Post a Comment

<< Home