Saturday, April 02, 2005

What's in a name?

In the near future, kapag ako ay nagkaanak ng lalaki, papangalanan ko siya ng Mikhail. Kapag babae, ang ipapangalan ko sa kanya ay Illyana. Ang ganda di ba? Russian name. At hindi lang ako ang may hilig sa Russian name. One time nag-uusap kami ni Jurrel, sabi nya may pangalan na ang future anak niya na lalake. Dmitri Nikolai daw. O di ba, ang ganda pero weird ang combination. Kasi naman, Russian yung name ng anak niya tapos ang apelyido niya e pure tagalog: Dmitri Nilolai Pumatong, hehe… joke lang Papoo.

Last last year nag-usap din kami ni Nat about the names of their (Meanne, Nat and Ana) children. Sinulat ko pa nga yun sa likod ng notebook ko e. Sad to say di ko na maalala kung saan ko nlagay yung notebook na yun. But I did remember some name though: Nathan, Glenn, Atasha at nalimutan ko na yung iba. I remember nilagay ko dun ang pangalang Miranda, at tsaka Warren. Astig! The best ako mag-isip ng pangalan, excited na tuloy ako magkaanak.Ü

Ang kwento sa akin nung bata pa ko, hindi naman talaga Jay Louie ang ipapangalan sa kin. I’m supposed to be named Jojie ata. At parang totoo siya, kasi nakikita ko yung mga pictures ko may nakasulat na Jojie. So kung tinatanong niyo kung bakit nabago, well ganito kasi yon…

4 months old ako nang magkasakit ako ng bronchopneumonia. Kailangang butasin noon ang lalamunan ko para masuction yung plema sa lungs ko ang at the same time daluyan ng pagkain (iyon ang reason kung bakit ako may parang tahi at butas sa leeg). Siyempre naconfine ako sa ospital, actually sa East Avenue Medical Center siya. At doon yung nag-aalaga sa aking nurse e Jay daw ang itinatawag sa akin. So yun, nung after kong lumabas ng ospital, siguro tsaka pa lang naiprocess ang birth certificate ko, my parents decided to name me Jay, and added Louie to prolong na lang siguro.
Ok lang naman sa akin yon, pero medyo common na kasi yung Louie e. Pero ok pa din.

I just find it amusing, meron trend ang mga tao kung pano nila ko tawagin. Eto sila:

mga tumatawag sa akin ng Jay: My family and relatives, mga kapitbahay, at mga teachers ko na ngayon lang ako naging estudyante.

mga tumatawag sa akin ng Louie: Berks, mga teacher ko na nagtanong sa akin kung ano ang nickname ko, orgmates, classmates

mga tumatawag sa akin ng Jay Louie: Konting-konting friends (most likely yung di pa kami close, pero we belong in the same circle of friends), mga teacher ko na masyadong naiiklian na nabibitin pag tinatawag akong Jay

Pero amusing kasi sa lahat e mas naaaliw ako sa mga tumatawag sa akin ng Jay Louie. Hehe, parang ang saya kasi pakinggan pag buo ka tinatawag. Ansaya!Ü

Kung Procopio o kaya naman Eustaquia ang pangalan mo, gagamitin mo ba? Tingin ko hindi, and I would bet all of my money kung merong ni isang Procopio or Eustaquia sa mundo na magsasabing ang ganda ng pangalan nila. Buti na lang at naimbento ang nickname…

Kayo, anung ipapangalan ninyo sa anak ninyo? Pag-isipang mabuti para hindi magsisi sa bandang huli.

2 Comments:

Blogger twisted-mind said...

ako dapat name ko rona. parang naiisip ko weird kung rona ang name ko pero siguro kung yun ang na ipangalan sa'kin di siguro weird yon.

i want to name my baby samantha or alexandria why? kasi pwede silang magka-nickname na sam and alex. gus2 ko ng girls name na may panglalaking nickname.

sa guys nathan is good. pero other than that ewan ko. dmitri nikolai is good also pero weird nga ang sound pag dimitri nikolai velasco or pumatong hahaha.

6:12 PM  
Blogger Superproxy said...

ay, ako din, gusto ng panlalaki for a girl. pareho tayo iche, gusto ko sa girl ang alexandra kaya yun yung ke alex, gusto ko rin ng Maria, asin yun lang, or Dominique. sa lalaki, jonathan, para ding nathan at anthony, pero common na ata.

lui, mas gusto ko naman ang jay louie sa jojie, para naman kasing pambabae yun. naalala ko may panahon na tinatawag kitang jay louie, nung hindi pa tayo friends masyado.

Naalala ko si pame, sabi niya, ipapangalan niya daw sa anak niya ay "oist" o "psst" para madaling tawagin, ang kengkoy. Kaso parang mahirap kasi baka lahat na lang ng mag-oist o psst ay tingnan niya kahit hindi naman siya ang tinatawag.

7:02 PM  

Post a Comment

<< Home