Thursday, February 24, 2005

Wowowee spells Victory!!!ÜÜÜ Yipee!

Part 1 - The Politics
Recap ko lang ang nangyari this week. Friday nagovernight kami kina Pol para gumawa ng SPOA. Mike, Maja and I are running for the Executive Council. 3:30 am ko na natapos ang SPOA ko, den ginising ko si Mike. At ako naman ang natulog. 7:30 na nang magising ako at si Maja na ang gumagawa, akala ko tapos na si Mike, wala pala siyang nagawa, hehe. To sum up the morning, natapos naman naming lahat in due time at nakaalis kaming lahat, including Jaime, Angge, Pads, Rob, and Steve at lunch time. We arrived in UP past 3:30 pm na. Grabe, at 5pm ang deadline ng SPOA. Buti na lang at umabot kami.
Monday: start na ng campaign, nakagawa naman kami ng campaign materials last Sunday gaya ng posters at giveaways. “Wowowee, Jay Louie!” nga pala ang campaign slogan ko. Corny kasi wala na kong maisip na matino nun. I was thinking of “Aanhin pa ang damo kung nandyan naman si Velasco” pero mas kadiri yun. I was having a hard time during the campaign, may kalaban kasi. At aggressive si Gary, he really wants to win. But for me it was a healthy competition (I guess siya din ganun). Buti pa si Maja and Mike, wala kasing kalaban.
Tuesday na at kinakabahan na talaga ako. I’m not popular sa mga sophies, at no time to campaign talaga ako kasi may laboratory pa ko whole day. Haaargh!
Wednesday came at it’s time for the Miting de Avance. Lots of questions were asked to us, but one good thing is wala naman masyado personal, at walang nagtry to induce character assassination; well except for one, and I am very disappointed. At the end of the day, sabi ko sa sarili ko, ok lang na matalo, at least I tried. Tsaka mas gusto ko nang Makita na ang boto ay mapupunta kay Gary kaysa sa Abstain. Mas masakit yun.
Thursday come election day. At first di pa ko kabado. Pero nung narealize ko na yung mga supporters ko, especially yung Fifth years, halos di pa nakakboto. Ano ba to? Nafeel ko talaga na matatalo ako, worse, walang mananalo sa ming dalawa. 5:30 na, paalis na sina Anne kasi magoovernight na sila kina Iche, at maiiwan na ko dun sa tambayan. Yung Kemelec nagreready na para sa bilangan. And suddenly nangingilid na yung luha sa mata ko. Nafi-feel ko talaga na wala akong pag-asa. Good thing Erma tried to comfort, or at least talk to me. Later nagyaya si Mike pumuntang Yakal, at sinilip naming yung bilangan. The first five votes were counted, and it was 5-0-0 to my favor, Mike has 2-3, and maja has 4-1. Wow, first five votes sa kin. Pero malayo pa yun. I need 56 votes. Maja and Mike needs 70. Tamprurot na si Mike kasi ang dami na daw niyang abstain simula pa lang ng bilangan. Di na daw siya tatakbo kung sakaling matalo. Later I returned knowing na tapos na ang bilangan. Mike and Maja were in cheering. Gary was in Hamunan. Kinakabahan ako pero kelangan malaman. And guess what? We won! Hurrah! Pero hanggang ngayon e di ko pa siya masyadong naaabsorb. Siguro pag tambay ko na lang sa Monday.

Sunday, February 13, 2005

Maskara

Isang pakulo, isang palaro

Eto ang Talentine.

2002 – cartoon character (ako si Kamatayan); 2003 – pajama party (absent ako nito); 2004 – hat party (ako ang may pinakamaliit at pinakacute na hat – cowboy hat! A la Justin Timberlake sa video ng Work It)
2005 – masquerade party – (supposedly isa akong Egyptian god pero nalate kami ng dating so naibigay sa iba yung maskara ko. Wala tuloy ako)

Maskara. Ngayon lang ata naging symbolic tema ang Talentine. My lips are sealed.

Synopsis:
I, Maita, Anne and Allan went to the Talentine venue at around 7:30 pm. We were late and the program has already started. We could already see WAMCOM doing their dance number. I could clearly see Jurrel, LP, Angge, Mike, Shey and a bunch of other WAMCOMmers dancing Halukay Ube. They were great. I wonder why they did not win the top prize, instead it went to EDUCOM with their Smokers’ Night-style of Tong Song. We, the PRC did a 20 second dance version of Totoy Bibo. It was a total crap! Too bad Fra wasn’t there.
I drank Allan’s beer and it tastes good. I have never appreciated beer so much before, and I wanna drink some more.
After the Memcom meeting, we left for Maita’s house. There we watched The Bodyguard, had a few snacks and went to sleep. Actually, I was the one who had a good night sleep, because Anne and Maita couldn’t sleep well since Allan snores loudly and I’m like a wild child on bed. Har har har! Sorry guys.

Saturday, February 12, 2005

What a Feeling!!! – The Funny, The Mushy, The Hungry, The Sleepy Me

’Happiness is a prescription. Laughter is the best medicine’ - Jay Louie Velasco (oo ako nag-isip nito, at least yung first part ng quote)

Maaga ako dumating ng tambayan(actually late na kasi 10am na yun) pero wala pang tao sa tambayan. Haay! Sayang kasi magpapaturo pa naman ako ng dose sa mga tao sana. So ang ending ko dahil hindi ko naman alam sagutan ang prob set ng dose ay ang pagbabasa ng app logbook naming. Andaming nakasulat grabe! Ang tagal ko nang di nagbabasa. Heto ang sample ng mga matitinding entries:

1. mga blind items, with matching bading words ala Startalk format. Funny siya at iisipin mo talaga kung totoo ba yun o joke lang. In fairness napag-isip ako dun.
2. Jokes na nakakatawa talaga! Hahaha! Eto example: ano sinabi ng posporo sa kapwa posporo? Ans. Match tayo… ÜÜÜ eto pa: ano capital ng Malaysia na hindi makalakad? Ans. Kuala LUMPO! Haha! Eto pa: ano capital ng Malaysia na nakakain? Ans. Kuala LUMPIA! Haha ulit!

Para akong baliw na tawa ng tawa mag-isa sa tambayan.

Anyway, natapos ko nang basahin ang logbook kaya nainip na ako. Nang biglang… may dumating! Ayan, naglalakad siya papalapit sa akin… at tinawag niya ang pangalan ko – ‘LOUIE!’

…out of nowhere, kinilig ako bigla! Yihee!
Curious na ba kayong malaman kung sino yun? Hehe. Hindi siya si IP. Siya ang aking dating labopmaylayp [ kadiri mushy na, corny pa!]. Anyway back to my kwento, jackpot dahil dalawa lang kami sa tambayan. Magkatabi, ako nagkukunwaring nagsosolve ng dose at walang pakialam pero ang totoo natutuwa ako. Haaaaay! Kinikilig ako, hehe. Ano ba ito? Destiny na ba kami? Joke lang. Kakasulat ko lang sa isang previous post na over na ko sa kanya. In fairness, over na naman ako. I already lost the loving feeling, pero yung kilig factor siyempre nandun pa rin. Ü Naniniwala ba kayo sa kin? Sana…

Naudlot ang aking daydreaming, nagising ulit ako at napabalik sa Matrix nang dumating na sa tambayan ang aking favorite blockmate. Hay naku, friend pa naman kita, pero wrong timing ang pagdating mo, nasa cloud 9 na sana ako nun. Hmmp! Ayun pumunta na tuloy siya ng library dahil nagtext na yung friend niya.

Buti na lang, kung may isang magandang nangyari bago dumating si favorite blockmate ito na yun, nakahingi ako ng grad pic nya. YAHOOO! But wait, wala siyang dala ngayon, pero nagpromise naman siya na bibigyan niya ko, at siyempre ako bibigyan ko din siya, para if ever na marealize niya na ako pala ang para sa kanya, titignan na lang niya yung picture ko (ANNOUNCEMENT: Joke lang po to ha, pero half meant, Ü).

ginutom na ko, oras na ng pagkain
Ansaya talaga ng Open House ng mga dorms! Libre lunch. Thank you Angge, thank you Maja, thank you Yacel! At ang ganda ng Ilang ha. Salamat din kay Mike dahil free lunch din kahapon sa Yakal naman. Ang laki-laki ng natipid ko, bwahaha! Nagstay ako dun hanggang 3pm dahil may exam pa ko. Heto na po ang last part ng kwento ko…

…kumbaga sa 7 dwarfs ni Snow White, ako si Sleepy, at least for today lang
Hindi ko talaga maintindihan ang lesson ng dose ngayon. And for sure bagsak ako dun. Actually, wala akong masagutan sa 1st 30 minutes, at napilitan lang ako nun para hindi ma-zero.

Inaantok na ko. Stop na to. Bukas ay talentine pa. Sana masaya siya. Matutulog na ko. For sure late ako magigising sa sobrang pagod. Ocsalev now signing off. Static…

Ocsalev out.

Wednesday, February 09, 2005

Tooth Fetish

Nobody knows about this, now I’m telling it to the world(wide web) – I have an extreme fascination, or fetish, for human teeth. What I mean is, I like looking at other people’s teeth, and it gives me a sense of completeness. Do you think it’s funny?

I have a good set of teeth, that’s what I believe, or at least my front set of teeth are good – since I already have quite a number of fillings already especially on my molars. Thanks to my dentist, which is by the way my aunt, who always gives me free dental services since I was a child and way back when she was still a student in CEU. I have had oral prophylaxis, tooth extraction, fillings, sealant, fluoride, bite plain and retainers all for free! And because my aunt taught me how to take care of them, maybe that is the reason for my teeth fascination. I’m happy about it.

People may never notice (and because I never let them notice) that when I’m talking to them, I’m actually looking directly at their mouths and staring at their teeth most of the time. Hahaha! It’s a guilty pleasure! I like to analyze how different each other’s teeth were formed, how canines are not of the same sharpness, how do braces stick to the teeth, and how they do magic and arranges your teeth properly, and why do some people are not as blessed as the others that they don’t have a good set of teeth. Aaawww, poor them (hehe).

Mike has the best set of teeth among all my friends, lucky for him. Pepot has the second best set, good for her. Who’s the worst? I won’t tell.

I only got one problem though, I can’t project my mouth to smile perfectly. I want to accentuate on my incisors up to my canines, and hide the others when I smile, but I can’t do it. I try but I just can’t do it. I just end up hating photo shoots because I don’t smile good. Darn!

Saturday, February 05, 2005

Filthy emotions

Deena, from Survivor Amazon once quoted: “Human emotions are controlled by human sentiments…” – and I agree to this.


Naiiintindihan ko na ngayon si Sir Nato nung time na nag-walkout siya sa klase naming sa 133, when he was annoyed when audric and decaf was noisy during the class [sorry if I mentioned your names], and eventually prompted him to take a leave the semester after. The reason for his action? Emotional attachment. One may seem to find that he could be a bit overacting, but when emotions set in, sometimes we tend to do things that may be a little bit out-of-bounds.


Ang pangit ng gising ko ngayong araw na to. May nangyari kagabi at ngayong umaga na nakapagpasira ng araw ko. Obvious tuloy sa mga nakasama ko ngayong araw na bad trip ako[at nadagdagn pa dahil second to the last ako sa ranking naming sa bowling kanina]. Napilitan tuloy akong huwag sumama kina Rob dahil naiinis talaga ko at muntik na kong sumabog[I hope I’m not misinterpreted]. Gusto ko pa namang gumagala sa bahay ng kaibigan. Pasensiya na, tao lamang.


Friends really do bring out the best and the worst in you, huh? And to me, I am but a victim of sentiments I keep from my friends. I have some friends that I care as much as I do for my family, sometimes even more. Minsan, nakakalungkot isipin na yun pang mga kaibigan mong pinapahalagahan e yun pa yung makakasakit sa damdamin mo. Alam ko naming hindi nila yun sinasadya, pero an mas masakit e yung malalaman mo na hindi ka pa pala nila talaga kilala, na hindi nila naa-appreciate yung mga ginagawa mo para sa kanila, at pag ikaw na yung may kailangan sa kanila, malulungkot ka dahil wala sila dyan para sa iyo. Is it bad to expect something from them? For me I think not. Correct me if I’m wrong.


From now on, I will not expect something from my friends. I’ll just let their friendship to me come the way they want it to be and I’ll swallow them whole and wholeheartedly.ÜÜÜ


Ok na ko, hindi na ko bad trip.ÜÜÜ


At sana, hindi na ulit ako ma-bad trip.

Wednesday, February 02, 2005

Mga munting pangarap ni Louie

Narito ang aking mga munting pangarap na gusto kong magkaron ng katuparan sa tamang pagkakataon.

 Gusto ko na habang college pa ko e isang araw Makita ko sa Eng’g ang isang long time friend na matagal ko nang di nakikita at sisigawan ko siya ng “Hoy ! Kamusta? Anung ginagawa mo rito?”, habang lahat ng tao ay nagtinginan na sa min dahil eskanadaloso ang tagpong iyon. Ü
 Pagkagraduate ko ay gusto kong magtayo ng restaurant, kung hindi sa Cavite e somewhere na matao para maghit siya. At ang menus ko ay puro breakfast and dessert meals, tsaka mga chocolates. Gusto ko din na makasosyo ang isang close friend.
 Gusto kong makapunta at makakain sa The Chocolate Factory, isang resto na lahat ng dishes nila ay merong chocolate. Yum! Yum! Nai-feature kasi siay sa F! last year ata. Ang kaso, hindi ko alam kung saan siya. Tinray kong hanapin sa directory pero wala siya. Haaay…
 Gusto kong makapag-asawa at the age of 25. pero shit! 21 na ko at wala pa kong girlfriend so panu kaya mangyayari yun?
 Gusto kong makasali sa isang song writing contest. May mga nagawa na kong kanta kaya naghihintay na lang ako ng isang contest gaya ng Himig handog, song festival o kung anuman.
 Gusto kong mapag-aralan ang piano, tapos ang violin, tapos ang gitara.
 Gusto kong makapagtrabaho sa isang food related company, wala nang iba.
 Gusto ko nang ganahan ako para mag-gym, ang tamad ko kasi kaya ang taba pa rin ng tiyan ko.
 Gusto kong mag-aral ng voice lessons right after kong grumadweyt, then sasali ako sa isang singing contest at mananalo ako.
 Gusto kong maging girlfriend si …. [hulaan nyo]